Pagluluto:Ginataang Halo-Halo
Sangkap
[baguhin]¼ | kilo | galapong |
4 | tasa | gata |
1 | tasa | hiniwang pakuwadrado na kamote |
1 | tasa | hiniwang pakuwadrado na gabi |
1 | tasa | hiniwang pakuwadrado na ube |
4 | piraso | saging na saba, hiniwang pahilis |
½ | tasa | pira-pirasong langka |
1 | tasa | kakang gata |
1 | tasa | asukal ayon sa panlasa |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Magtabi ng ¼ tasa ng galapong/giniling na bigas para pampalapot.
- Ang iba'y ihugis na bola-bola para maging bilo-bilo.
- Ibuhos ang gata sa kaserola.
- Pagkulo ay idagdag ang kamote, gabi at ube.
- Paglambot ay isama ang saging, langka at bilo-bilo.
- Timplahan ng asukal o nais na flavoring tulad ng vanilla, pandan o anis.
- Palaputin ng galapong na tinunaw sa kaunting gata.
- Pakuluin.
- Ihaing may kasanlang kakang gata.