Pagluluto:Ginataang Gulay
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kutsara | mantika |
½ | kutsarita | tinadtad na bawang |
1 | piraso | maliit na sibuyas, tinadtad |
1 | tasa | gata |
½ | piraso | maliit na kalabasa, hiniwang pakuwadrado |
1 | tali | sitaw, pinutok ng 1" ang haba |
1 | kutsarita | asin pantimpla |
1 | kutsarita | paminta pantimpla |
3 | piraso | siling labuyo |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
- Ibuhos ang gata. Hayaang uminit nang hindi kumukulo.
- Idagdag ang kalabasa at sitaw.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Idagdag ang siling labuyo kung nais na maanghang.
- Hayaang maluto ang mga gulay.