Pagluluto:German Potato Salad

Mula Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

¾ kilo patatas, nilaga
½ tasa mayonnaise
½ kutsara mustard
2 kutsara suka
½ kutsara sabaw ng manok
¼ tasa tinustang bacon
2 kutsara tinadtad na sibuyas na mura
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti pantimpla
½ kutsarita asukal
1 ulo letsugas
2 kutsara hiniwang leeks

Paraan ng paghalo[baguhin]

  1. Balatan ang mga nilagang patatas at hiwaing ¼" ang kapal.
  2. Ilagay sa mangkok at palamigin sa repridyerator.
  3. Paghaluin ang mayonnaise, mustard, suka, sabaw ng manok, kalahati ng bacon at ang sibuyas na mura.
  4. Timplahan ito ng asin, paminta at asukal.
  5. Ihalo sa patatas.
  6. Iayos ang mga dahon ng letsugas sa salad bowl.
  7. Isalin ang potato salad.
  8. Budburan ng natitirang bacon at leeks.