Pagluluto:German Bean Soup
Sangkap
[baguhin]1 ¼ | tasa | puting kidney beans |
½ | kutsara | mantika |
¼ | tasa | tinadtad na bacon |
½ | tasa | hiniwang pakuwadradong sibuyas |
8 | tasa | sabaw ng manok |
¼ | tasa | hiniwang pakuwadradong carrot |
¼ | tasa | hiniwang pakuwadradong celery |
1 | piraso | cervelat sausage o frankfurter, hiniwa |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ibabad ang beans sa tubig ng magdamag.
- Hugasan at patuluin.
- Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bacon.
- Isama ang sibuyas at sangkutsahin.
- Ibuhos ang sabaw ng manok.
- Pakuluin at idagdag ang carrots, celery at beans.
- Isama ang sausage o frankfurter.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Lutuin pa ng 15 minuto.