Pagluluto:Fruit Salad
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | lata | fruit cocktail, sinala |
| ½ | tasa | kaong (berde), pinatulo |
| ½ | tasa | kaong (pula), pinatulo |
| 1 | tasa | nata de coco |
| 4 | piraso | saging lakatan, hiniwang pakuwadrado |
| 1 | buong | melon, binilog-bilog |
| 1 | lata | gatas na kondensada |
| 1 | lata | cream |
Paraan ng Paghalo
[baguhin]- Ibabad ang hiniwang saging sa sabaw ng fruit cocktail para hindi mangitim.
- Sa isang mangkok, paghaluin ang lahat ng mga prutas, fruit cocktail, kaong at nata de coco.
- Isama ang gatas at cream.
- Haluin ng mabuti.
- Kung nais ay dagdagan ng confectioners' sugar para lalong tumamis.
- Palamigin bago ihain.