Pagluluto:Fruit Meringue
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 ½ | tasa | asukal |
½ | tasa | tubig |
½ | tasa | puti ng itlog |
1 | kutsarita | cream of tartar |
1 | lata | pinatamis na cream |
1 | maliit na lata | fruit cocktail |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang oven sa init na 250°F.
- Pahiran ng shortening ang dalawang baking sheets at takpan ng wax paper.
- Itabi.
- Sa isang maliit na kaserola, pakuluin ang asukal at tubig hanggang malapot na malapot.
- Sa hiwalay na mangkok, batihin ng mixer and puti ng itlog at cream of tartar hanggang soft peaks stage.
- Maingat na ibuhos ang mainit na syrup habang tuloy-tuloy na binabati hanggang stiff peaks stage.
- Maghulog ng tig-iisang kutsarang merengge sa hinandang baking pan.
- Marahang idiin ang kutsara sa gitna ng merengge para lumalim ang gitna nito.
- Lutuin sa oven hanggang matuyo at lumutong.
- Palamigin.
- Lagyan ng pinatamis na cream ang gitna ng merengge at palamutian ng mga hiniwang prutas.