Pagluluto:French Toast with Syrup
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 4 | piraso | itlog |
| 1 | tasa | gatas |
| ½ | kutsarita | asin |
| ¼ | tasa | mantikilya |
| 12 | hiwa | tinapay |
| ¼ | tasa | syrup |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang isang non-stick pan.
- Batihin ang mga itlog kasama ng gatas at asin.
- Pahiran ng kaunting mantikilya ang mainit na kawali.
- Isa-isang ilubog ang mga tinapay sa binating itlog.
- Prituhin sa kawali hanggang lumutong at pumula.
- Ihaing may kasamang syrup.