Pagluluto:French Onion Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ½ | kutsara | mantika |
| ¼ | kilo | sibuyas, hiniwa |
| 8 | tasa | beef consomme |
| ½ | kutsarita | dinurog na paminta |
| 1 | piraso | dahon ng laurel |
| 1 | kutsarita | asin |
| 8 | hiwa | French bread |
| 1 | tasa | ginadgad na Parmesan cheese |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kaserola, painitin ang mantika at papulahin ang mga sibuyas.
- Ibuhos ang consomme at pakuluin.
- Hinaan ang apoy.
- Timplahan ng paminta, laurel at asin.
- Isalang sa mahinang apoy ng isang oras.
- Paibabawan ng keso ang tinapay.
- Tustahin sa oven hanggang lumutong.
- Magsandok ng mainit na sabaw sa mga mangkok.
- Paibabawan ng tinapay.