Pagluluto:Fish Fillet with Basil Cream Sauce
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 10 | piraso | fish fillet (180 gramo ang bawat isa) |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | paminta |
| 1 | piraso | lemon |
| 2 | tasa | harina |
| ½ | tasa | clarified butter |
| ¼ | tasa | mantikilya |
| 1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
| ½ | tasa | white wine |
| ½ | tasa | brown sauce |
| 1 | tasa | fish veloute |
| 1 | kutsara | tinadtad na sariwang basil |
| ½ | tasa | cream |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Timplahan ang isda ng asin, paminta at katas ng lemon.
- Isantabi ng ilang minuto.
- Tuyuin ang isda ng paper towels.
- Pabalutan ng harina at pagkatapos ay iprito sa clarified butter.
- Painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
- Isama ang white wine at Iutuin hanggang mangalahati.
- Isama ang brown sauce, fish veloute at basil.
- Lutuin ng 5 minuto.
- Timplahan.
- Ihalo ang cream.
- Huwag hayaang kumulo.
- Paibabawan ng sauce ang isda baga ihain.