Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Fish Consomme Brunoise

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
½ kilo pinagtabasan ng isda
3 puti ng itlog
½ kutsara pamintang buo
1 dahon laurel
¼ tasa rosemary
¼ kutsarita asin
½ kutsarita katas ng lemon
½ tasa tinadtad na sibuyas
½ tasa tinadtad na carrot
¼ tasa tinadtad na leeks
12 tasa sabaw ng isda
¼ tasa hinimay na nilagang isda
¼ tasa tinadtad na carrot
¼ tasa tinadtad na celery

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Paghaluin sa kaserola ang unang 10 sangkap.
  2. Ibuhos ang sabaw ng isda.
  3. Haluin hanggang kumulo.
  4. Pag-kulo ay itigil ang paghalo.
  5. Hinaan ang apoy at isalang pa ng 2 oras.
  6. Palamigin bago salain sa katsa.
  7. Isalin ang sinalang sabaw sa malinis na kaserola.
  8. Isama ang hinimay na isda, carrot at celery.
  9. Timplahan ayon sa panlasa.
  10. Ihain ng mainit.