Pagluluto:Fish Burger Patties
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | giniling na laman ng isda |
| 3 | piraso | itlog |
| 1 | kutsara | katas ng lemon |
| 1 | kutsarita | liquid seasoning |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | paminta |
| ½ | tasa | mantikang pamprito |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang mangkok, paghaluin ang mga sangkap maliban sa mantika.
- Haluing maigi at kortehing mga bilog o nabilog na patties.
- Painitin ang mantika at iprito ang mga patties hanggang pumula.