Pagluluto:Estopado
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | baboy |
2 | tasa | tubig |
1 | tasa | suka |
1 | tasa | asukal |
1 | piraso | sibuyas |
3 | ulo | bawang |
2 | piraso | saging na saba |
1 | kupitang hinyebra |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pipirituhin ang karne.
- Ang mga natirang karneng prito ay maaaring gamitin sa lutong ito.
- Ang asukal na may kaunting suka ay susunugin sa isang kaserola.
- Kapag nangangamoy na ang sunog na asukal, ilahok ang natitirang suka at tubig, batihing mabuti at ito ang gagamiting pinakasabaw.
- Maghanda ng isang palayok at ang puwit sa loob ay lalagyan ng asad, upang huwag mangapit sa puwit ang niluluto.
- Sa palayok na ito’y sabay-sabay na ilalagay ang lahat na magkakahalo, gayon din ang pinakasabaw na may sinunog na asukal.
- Takpang mabuti ng nilaib na dahong saging upang huwag makasingaw.
- Pagkakulo ay babawasan ang gatong at pababayaan sa atay-atay na apoy hanggang sa lumambot ang karne.