Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Ensaladang Pilipino

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]
2 piraso talong, inihaw at binalatan
5 piraso okra, binanlian
1 piraso ampalaya, hiniwa
4 piraso kamatis, hiniwa
1 piraso singkamas, hiniwang pahaba
2 piraso manggang hilaw, hiniwa
1 piraso sibuyas, hiniwa

Sawsawan

[baguhin]
bagoong isda
bagoong alamang (gisado)
suka at sillng labuyo
patis
kalamansi

Paraan ng paghalo

[baguhin]
  1. Iayos ang mga gulay at mangga sa isang bandehado.
  2. Ilagay ang mga sawsawan sa maliliit na mangkok.
  3. Ihaing magkasama.