Pagluluto:Eggs Mornay
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | kutsara | mantikilya |
2 | kutsara | arina |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | pamintang puti |
2 | tasa | gatas |
1/3 | tasa | ginadgad na keso |
8 | piraso | itlog |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa maliit na kaserola, painitin ang manrikilya.
- Idagdag ang arina, asin at paminta.
- Batihin para matanggal ang buo-buo.
- Dahan-dahang ibuhos ang gatas.
- Batihing maigi at lutuin hanggang lumapot.
- Ihalo ang keso.
- Maglagay ng tig-kakalahating dami ng nalutong sarsa sa mga custard cups.
- Magbiyak ng itlog sa bawat tasa.
- Punuan ng nalalabing sarsa hanggang halos mapuno.
- Lutuin sa oven sa init na 400°F ng 15 minuto o hanggang mabuo.