Pagluluto:Eggplant Parmigiana
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | kutsara | mantika |
2 | butil | bawang, tinadtad |
1 | piraso | sibuyas, tinadtad |
1 ½ | tasa | tinadtad na kamatis |
½ | kutsarita | basil |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
2 | piraso | itlog |
2 | kutsara | gatas |
1 | tasa | breadcrumbs |
4 | piraso | talong, hiniwang manipis na pahaba |
½ | tasa | mantika pamprito |
¾ | tasa | ginadgad na Parmesan cheese |
1 | pakete | mozzarella cheese (200 gramo), hiniwang manipis |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
- Isama ang kamatis at basil.
- Sangkutsahin.
- Timplahan.
- Isantabi.
- Sa isang mangkok, hatihin ang itlog kasama ng gatas.
- Ilagay ang breadcrumbs sa isang pinggan.
- Ilubog ang bawat hiwa ng talong sa itlog at pagkatapos ay pabalutan ng breadcrumbs.
- Dalawang beses ito gawin.
- Magpainit ng mantika sa kawali.
- Prituhin ang mga talong hanggang pumula.
- Patuluin ang sobrang mantika.
- Painitin ang oven sa 350°F.
- Pahiran ng mantikilya ang isang baking pan.
- Ilagay ang kalahati ng piniritong talong sa baking pan.
- Paibabawan ng kalahati ng ginisang sangkap, kalahati ng Parmesan cheese at kalahati ng mozzarella cheese.
- Ulitin uli ang pagpatong ng mga sangkap.
- Lutuin sa oven ng 20-25 minuto.