Pagluluto:Egg Cutlets
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 6 | piraso | itlog nilutong mabuli, tinadtad |
| ½ | tasa | niyadyad na keso |
| ½ | kutsarita | asin |
| 1 | lata | mushroom soup |
| 1 | piraso | itlog na binati |
| 4 | kutsara | mantikilya |
| 1 | tasa | dinurog na tustang tinapay (bread crumbs) |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pagsama-samahin ang itlog, keso, mga rekado at mushroom soup.
- Haluing mabuti.
- Ilatag sa isang bandehang panghurno na pinahiran ng langis o mantikilya.
- Palamigin sa refrigerator.
- Kortehan sa pamamagitan ng cookie cutter.
- Pagulungin sa dinurog na tinapay pagkatapos ilubog sa itlog at saka pagulungin uli sa dinurog na tinapay.
- Prituhing madali sa kaunting mantikilya hangang sa mamula-mula.