Pagluluto:Egg Croquettes
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ¼ | tasa | mantikilya |
| ¼ | tasa | arina |
| 1 ½ | tasa | gatas |
| 1 | kutsarita | asin |
| ¼ | kutsarita | pamintang puti |
| 6 | piraso | nilagang itlog, tinadtad |
| 1 | tasa | breadcrumbs |
| 1 | piraso | itlog, binati kasama ng |
| 2 | kutsara | gatas |
| ¼ | tasa | mantika pamprito |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Tunawin ang mantikilya sa kawali at ihalo ang arina.
- Lutuin ng ilang minuto bago ibuhos ang gatas.
- Lutuin hanggang lumapot.
- Haluin para hindi dumikit at masunog.
- Timplahan.
- Ihalo ang tinadtad na itlog.
- Palamigin sa repridyerator ng mga 15 minuto.
- Kortehing habilog ang pinalamig na mixture.
- Igulong sa breadcrumbs at pagkatapos ay sa binating itlog.
- Pabalutan uli ng breadcrumbs.
- Palamigin ng ilang minuto bago iprito sa mainit na mantika.