Pagluluto:Dinuguan
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | lamang loob ng baboy, |
1 | piraso | tenga ng baboy, |
1 | buo | bawang, pinipit ay ginayat |
1 | buo | sibuyas, hiniwang manipis |
3 | buo | kamatis, hiniwang maliliit |
1 | tasa | dugo ng baboy |
2 | piraso | sili (turo) |
½ | tasa | suka |
½ | kutsarita | asin |
1 | kusarita | oregano |
2 | kutsarita | patis |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Linisin ang mga laman-loob at tenga ng baboy at pakuluan nang ilang sandali sa kaunting tubig. Hanguin at hiwa-hiwalayin nang may kaliitan.
- Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Isunod ang hiniwang laman-loob.
- Timplahan ng patis.
- Hayaang kumulo nang ilang sandali bago isama ang 2 tasa ng pinakuluang sabaw ng baboy.
- Takpan at pakuluin.
- Isama ang oregano.
- Ihulog ang dugo at haluing dahan-dahan.
- Kung minsan maalat ang dugo kaya't tikman kung ayos ang alat at dagdagan ng asin kung kinakailangan.
- Haluhaluin habang hindi pa kumukulo upang hindi makurta o magbuo-buo ang dugo.
- Kapag maluwat nang kumukulo ang sabaw na may dugo ay saka timplahan ng suka.
- Huwag naman haluin hanggang hindi kumukulo.
- Ibabaw ang mga sili at patayin ang apoy.