Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Daing na Bangus

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 piraso katamtamang laki ng bangus
1 buo bawang, pinitpit na medyo buo-buo
1 kutsarita dinikdik na paminta
1 kutsarita asin
1 kutsara suka
½ tasa mantika

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Huwag kakaliskisan ang bangus.
  2. Tanggalin ang hasang at iba pang mga lamang loob.
  3. Biyakin ang bangus sa likod at kung lalaplapin, sa may gawing buong tinik ng bangus.
  4. Alisan ng bituka at hugasan.
  5. Kapag malinis na ang bangus, asinan na pantay ang pagkakaasin.
  6. Budburan ng paminta at ibabaw ang bawang.
  7. Iwanan ng mga 1 minuto nang pagkakaasin.
  8. Pagkatapos ay buhusan ng suka at tignan kung lahat ng bangus ay nabuhusan ng suka.
  9. Iwanan ng magdamag o mga 6 na minuto.
  10. Prituhin sa mantika at hanguin kapag mamula.