Pagluluto:Crema de Fruta
Itsura
Sangkap
[baguhin]Cake
[baguhin]| 6 | piraso | itlog |
| ¾ | tasa | asukal |
| 1 ¼ | tasa | cake flour |
| ¼ | kutsarita | asin |
| 4 | kutsarita | tinunaw na mantikilya |
Custard Filling
[baguhin]| 1 | tasa | asukal |
| ⅓ | tasa | cake flour |
| 2 ¾ | tasa | sariwang gatas |
| 5 | piraso | pula ng itlog |
| 1 | kutsarita | vanilla |
Pang-ibabaw
[baguhin]| 1 | lata | fruit cocktail, pinatulo |
| 2 | kutsarita | unflavored gelatin |
| 2 | tasa | sabaw ng fruit cocktail o tubig |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang oven sa 325°F
- Sa mixer, batihin ang mga itlog hanggang maging maliliit ang bula.
- Idagdag ang asukal at batihin hanggang lumapot.
- Masinsing ihalo ang arina, asin at mantikilya.
- Ibuhos sa isang 13 x 9 x 2 inch oven proof glass dish.
- Isalang sa oven nang 15-20 minuto o hanggang maluto.
- Palamigin.
- Sa double boiler, paghaluin ang mga sangkap ng custard filling.
- Lutuin hanggang lumapot.
- Palamigin at ibuhos sa ibabaw ng cake.
- Iayos ang fruit cocktail sa ibabaw nito.
- Tunawin ang gelatin sa sabaw ng fruit cocktail o tubig.
- Isalang sa apoy para tuluyang matunaw.
- Palamigin ng bahagya at saka ibuhos sa cake.
- Itabi sa repridyerator para mabuo.