Pagluluto:Cream of Corn Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 5 | tasa | gatas |
| 5 | tasa | sabaw ng manok |
| 2 | tasa | sariwang mais, ginayat |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | paminta |
| white roux o beurre manie | ||
| 1 | tasa | cream |
| ½ | tasa | tinadtad na parsley |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kaserola, paghaluin ang gatas, sabaw at mais.
- Pakuluin at timplahan.
- Hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot ang mais. Salain.
- Pakuluin uli ang sabaw.
- Palaputin ng kaunting white roux.
- Isalang ng 15 minuto bago idagdag ang mais.
- Ihalo ang cream at parsley.