Pagluluto:Cream of Beets Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 ½ | tasa | hiniwang pakuwadradong nilagang beets |
4 | tasa | gatas |
5 | tasa | sabaw ng manok |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | pamintang puti |
½ | tasa | white roux |
1 | tasa | cream |
½ | tasa | tinadtad na parsley |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Gilingin ang beets sa food processor o blender hanggang pumino.
- Itabi.
- Isalin ang gatas at sabaw sa isang kaserola.
- Pakuluin at ihalo ang giniling na beets.
- Hinaan ang apoy at timplahan ayon sa panlasa.
- Palaputin ng kaunting white roux.
- Lutuin pa ng 10 minuto sa mahinang apoy.
- Isama ang cream at tanggalin na sa apoy.
- Paibabawan ng parsley.