Pagluluto:Corned Beef na may Patatas

Mula Wikibooks

Sangkap[baguhin]

3 piraso patatas
4 kutsara mantikilya
3 tasa tinadtad na corned beef
1 tasa hiniwang sibuyas
1 kutsarita asin
½ kutsarita dinikdik na paminta

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ilaga ng bahagya ang mga patatas.
  2. Pagkalaga saka talupan at kudra-kudraduhin.
  3. Tunawin sa kawali ang mantikilya.
  4. Igisa ang mga sibuyas.
  5. Pagkaraan ng mga ilang minuto, ihalo ang patatas at ipagpatuloy ang pagluluto sa mahinang apoy.
  6. Ihalo ang corned beef.
  7. Timplahan ng asin at paminta.
  8. Lutuin sa mahinang apoy ng ilan pang mga minuto.
  9. Haluing paminsan-minsan.