Pagluluto:Corned Beef Hash

Mula Wikibooks

Sangkap[baguhin]

½ tasa corned beef
2 tasa hiniwang pakuwadradong patatas, binanlian
¼ tasa tinadtad na parsley
¼ tasa tinadtad na sibuyas
¼ tasa tinadtad na siling berde
1 piraso chicken bouillon cube, tinunaw sa
¼ tasa kumukulong tubig
2 piraso itlog, binati
¾ tasa breadcrumbs
½ tasa mantika pamprito
½ tasa arina

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pagsamahin sa mangkok ang unang 8 sangkap.
  2. Haluing maigi.
  3. Kapag masyadong basa, maaring magdagdag ng arina.
  4. Kortehing habilog.
  5. Ipagulong sa bread crumbs.
  6. Palamigin ng ilang minuto sa repridyerator.
  7. Prituhin sa mainit na mantika hanggang pumula.