Pagluluto:Coq Au Yin
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | hiwa | bacon, hiniwang pakuwadrado |
4 | kutsara | mantikilya |
2 | kilo | manok, hiniwang katamtaman ang laki |
½ | kilo | sibuyas, hiniwa |
4 | butil | bawang, dinikdik |
¼ | kilo | sariwang mushrooms |
¼ | tasa | brandy |
bouquet garni | ||
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta pantimpla |
1 ½ | tasa red wine | |
3 | kutsara | beurre manie |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kaserola, papulahin ang bacon hanggang magmantika.
- Alisin ang bacon at idagdag ang mantikilya.
- Papulahin ang mga hiwa ng manok.
- Ilipat sa pinggan.
- Sa natitirang mantika, igisa ang sibuyas ng 10 minuto.
- Isama ang bawang at mushrooms.
- Pagkatapos ay isama ang bacon at manok.
- Ihalo ang brandy at paapuyin.
- Isama ang bouquet garni, pantimpla at red wine.
- Takpan at lutuin sa mahinang apoy hanggang lumambot ang manok.
- Ihiwalay ang manok at mushrooms sa isang pinggan.
- Palaputin ang sarsa ng beurre manie.
- Salain at ibuhos sa ibabaw ng manok.