Pagluluto:Cold Cucumber Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | pipino |
| 2 | kutsara | mantikilya |
| 1 | tasa | hiniwang sibuyas |
| 8 | tasa | gatas |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | paminta |
| 1 | tasa | ordinaryong yogurt |
| ½ | kutsara | nutmeg |
| 1 | tasa | cream |
| 1 | kutsarita | tinadtad na parsley |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Balatan ang mga pipino.
- Hatiing pahaba at tanggalin ang mga buto.
- Hiwain sa maliliit na piraso.
- Sa isang kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
- lsama ang pipino at lutuin ng isang minuto.
- Ibuhos ang gatas.
- Lutuin sa mahinang apoy ng 5 minuto.
- Timplahan.
- Idagdag ang yogurt at nutmeg.
- Palamigin.
- Gilingin sa blender hanggang pumino.
- Salain.
- Isama ang cream.
- Palamigin sa repridyerator.
- Paibabawan ng parsley bago ihain ng malamig.