Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Cocido

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]

Sarza Español

[baguhin]
¼ tasa olive oil
1 ulo bawang, tinadtad ng pino
2 piraso malaking sibuyas, tinadtad ng pino
½ kilo kamatis, tinadtad ng pino
1 lata tomato sauce
¼ kilo Sweet Ham, tinadtad ng pino
2 piraso Chorizo Bilbao Style, tinadtad ng pino
1 piraso siling pula, hiniwang pakuwadrado
½ tasa red wine
2 kutsarita paprika
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Karne at Gulay

[baguhin]
½ kilo karne ng baka, nilaga at hiniwa sa katamtamang laki
½ kilo manok, nilaga at hiniwa sa katamtamang laki
½ kilo karne ng baboy, nilaga at hiniwa sa katamtamang laki
½ kilo repolyo, inapat at binanlian
½ kilo pechay, hiniwa sa dalawa at binanlian
¼ kilo patatas, nilaga at inapat
¼ kilo abitsuelas, binanlian at hinati sa dalawa
1 piraso carrot, binanlian at inapat
¼ kilo kamote, nilaga at inapat
¼ kilo sweet ham, hiniwang pahaba
2 piraso sibuyas, tinadtad ng pino
3 piraso Chorizo Bilbao Style, hiniwang pahilis
¼ kilo garbansos, nilaga
12 piraso saging na saba, nilaga

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Magpainit ng mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  2. Lutuin ng 5 minuto.
  3. Salain.
  4. Ibalik sa kawali at idagdag ang tomato sauce, ham at chorizo.
  5. Pakuluan hanggang lumapot.
  6. Idagdag ang siling pula, wine at paprika.
  7. Timplahan ayon sa panlasa.
  8. Ilagay ang mga karne, gulay at saba sa isang malaking bandehado.
  9. Iayos sa ibabaw nito ang ham, sibuyas, chorizo at garbansos.
  10. Ihain ang sarsa sa hiwalay na mangkok.
  11. Ang pinaglagaan ng mga karne ay maaring timplahan at ihain na sabaw.