Pagluluto:Clear Soup with Bone Marrow
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 8 | tasa | sabaw ng baka |
| 1 | tasa | giniling na baka |
| 2 | puti ng itlog | |
| 1 | kutsara | tinadtad na sibuyas |
| 1 | kutsara | tinadtad na celery |
| 1 | kutsara | tinadtad na carrots |
| 1 | dahon | laurel |
| ½ | kutsarita | dinurog na pamintang buo |
| ½ | jigger | sherry |
| ½ | tasa | bone marrow |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ilagay lahat ang mga sangkap sa isang kaserola maliban sa sherry at bone marrow.
- Pakuluin at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
- Isalang ng 2 oras.
- Tanggalin sa apoy at palamigin.
- Salain ang sabaw sa katsa.
- Isalin sa ibang kaserola at pakuluin uli.
- Timplahan.
- Ihalo ang sherry.
- Bago ihain ay paibabawan ng bone marrow.