Pagluluto:Chorizo de Bilbao
Itsura
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | giniling na baka |
½ | kilo | giniling na baboy |
¼ | kilo | taba ng baboy, tinadtad |
¼ | kutsarita | salitre |
2 | kutsara | iodized salt |
2 | kutsara | asukal |
3 | kutsarita | pamintang durog |
1 | ulo | bawang, tinadtad |
¼ | tasa | pimento |
¾ | tasa | mantika |
pinatuyong bituka ng baboy (longganisa casing) |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Lutuin sa mantika ang bawang.
- Ilagay ang bawang at mantika sa giniling na baka kasama ang giniling na baboy at taba ng baboy.
- Ihalo ang natitirang sangkap at haluing maigi.
- Maingat na ilagay ang nahalong sangkap sa loob ng longganisa casing.
- Dapat ay 4 na pulgada ang haba ng isang chorizo.
- Iimbak ito sa refrigerator ng 3 araw.
- Sa ika-4 na araw, alisin na sa refrigerator ang chorizo at ilagay sa kawali.
- Buhusan ng tubig at pakuluan ng 10 minuto.
- Sundutin ng tinidor upang lumabas ang hangin mula sa chorizo.
- Hanguin at patuluin. Itabi ang sabaw ng pinagkuluan.
- Ibilad sa ilalim ng araw o patuyuin sa hurno ng 200°F ng 2 oras.
- Ilagay muli sa kawali, ibalik ang sabaw ng pinagkuluan.
- Magdagdag ng mantika.
- Pakuluan hanggang matuyo at maiwan ang taba.
- Bali-baliktarin habang niluluto upang hindi dumikit sa kawali.
- Palamigin at ilagay sa lalagyan na may takip.
- Ibuhos ang mantika ng pinagprituhan.
- Maari ng iimbak sa refrigerator ang chorizo.