Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Chopsuey

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
2 piraso manok, tinanggalan ng buto at hiniwang pahaba
1 kutsarita asin
1 kutsarita cornstarch
1 kutsarita toyo
1 buo puti ng itlog
¼ tasa mantika
2 butil bawang, dinikdik
1 piraso sibuyas, tinadtad
1 tasa sitsaro
1 piraso katamtamang laki ng karot, hiniwa ng pabilog
2 tangkay celery, pinutol ng ¼" ang haba
1 ½ tasa ginayat na repolyo
1 tasa tubig
2 kutsara cornstarch
1 kutsarita chiken bouillon (cubes)
½ kutsarita asukal
1 kutsarita toyo

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Sa isang mangkok, paghaluin ang manok, asin, cornstarch (1 kutsarita), toyo (1 kutsarita) at puti ng itlog. Hayaang mababad ng 15 minuto.
  2. Painitin ang mantika sa wok o kawali.
  3. Igisa ang bawang at sibuyas hanggang lumambot.
  4. Ilagay ang manok at palambutin.
  5. Isama ang mga gulay at haluin.
  6. Ibuhos ang kalahating tasa ng tubig. Pakuluin.
  7. Tunawin ang cornstarch sa nalalabing tubig.
  8. Idagdag sa niluto kasama ng chicken bouillon, asukal at toyo. Pakuluin ulit.