Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Chocolate Eclairs

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]

Chaux Pastry

[baguhin]
1 tasa tubig
½ tasa mantikilya
½ kutsarita asin
1 tasa arina
4 piraso itlog

Vanilla Cream Filling

[baguhin]
½ tasa asukal
¼ tasa cornstarch
¼ kutsarita asin
2 tasa gatas
2 pula ng itlog, bahagyang binati
2 kutsara mantikilya
1 kutsarita vanilla

Chocolate Glaze

[baguhin]
¼ tasa cocoa powder
2 kutsara mantikilya
1 tasa confectioners' sugar
½ kutsarita vanilla
1 tasa gatas

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Painitin ang oven sa 400°F.
  2. Maghanda ng dalawang baking sheets.
  3. Ihanda ang Choux Pastry: Sa isang kaserola, paghaluin ang tubig, mantikilya at asin.
  4. Lutuin hanggang kumulo ang tubig at matunaw ang mantikilya.
  5. Idagdag ang arina at haluing maigi para hindi magbuo-buo.
  6. Lutuin hanggang humihiwalay na sa gilid ng lutuan.
  7. Alisin sa apoy at palamiging bahagya.
  8. Isa-isang idagdag ang mga itlog habang binabati ng maigi.
  9. Haluin hanggang kuminis.
  10. Isalin ang nalutong sangkap sa isang pastry bag.
  11. Mag-korte sa baking sheets ng mga pahabang hugis, 2" ang haba.
  12. Lagyan ng distansya sa pagitan ng bawat isa.
  13. Isalang sa oven hanggang umalsa.
  14. Ibaba ang init ng oven sa 300°F at hayaan pang matuyo ang loob ng mga pastry at maging malutong ang labas nita.
  15. Tanggalin sa baking sheets at palamigin.
  16. Ihanda ang Vanilla Cream Filling: Paghaluin ang asukal, cornstarch at asin sa kaserola.
  17. Ihalo ang gatas at pula ng itlog.
  18. Lutuin sa mahinang apoy hanggang lumapot.
  19. Haluin para hindi dumikit.
  20. Ihalo ang mantikilya at vanilla.
  21. Palamigin.
  22. Ihanda ang Chocolate Glaze: Tunawin ang cocoa at mantikilya sa isang maliit na kaserola.
  23. Alisin sa apoy at idagdag ang asukal at vanilla.
  24. Kung masyadong malapot ay magdagdag ng bunting gatas.
  25. Haluing maigi.
  26. Hiwaan sa gilid ang mga nalutong pastry.
  27. Palamanan ng cream filling.
  28. Paibabawan ng hinandang glaze.
  29. Isantabi hanggang matuyo ang glaze.