Pagluluto:Chocolate Cake
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 tasa cocoa powder
2 kutsara instant coffee
1 tasa ng mainit na tubig
1 tasa ng gatas na ebaporada
3 tasa ng harina
2 kutsaritang baking soda
1 kutsarita baking powder
1 tasa ng mantikilya
2 ½ tasang asukal
4 piraso itlog
1 kutsarita vanilla
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang oven sa 350°F.
- Pahiran ng kaunting shortening o mantika ang isang 13 x 9 x 2" na rectangular pan at pagkatapos ay sapinan ng wax paper.
- Tunawin ang cocoa powder at kape sa mainit na tubig.
- Ihalo ang gatas.
- Itabi.
- Sa isang mangkok, paghaluin ang arina, baking powder at baking soda.
- Sa ibang mangkok, batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
- Ihalo ang asukal at batihing maigi.
- Isa-isang idagdag ang itlog.
- Batihing maigi bago ihalo ang vanilla.
- Salitan na ihalo ang arina at pinaghalong gatas at cocoa, simulan sa arina.
- Haluin ng mabuti bago isalin sa baking pan.
- Lutuin sa oven ng mga 45 minuto o hanggang malinis nang lumabas ang toothpick na tinusok sa gitna ng cake.
- Palamigin sa wire rack ng 10 minuto bago baligtarin.
- Hiwain sa nais na laki.