Pagluluto:Chocolate Bavarois
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | kutsara | unflavored gelatin |
1 ¼ | tasa | tubig |
1 | tasa | gatas ebaporada |
3 | piraso | itlog, hiniwalay ang pula sa puti |
¾ | tasa | asukal |
¼ | tasa | chocolate sauce o syrup |
1 | kutsarita | vanilla |
½ | tasa | whipped cream |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Tunawin ang gelatin sa ¼ na tasang tubig.
- Ihalo ang natitirang tubig sa gatas at painitin ng hindi pinakukulo.
- Sa mangkok, batihin ang pula ng itlog kasama ng asukal.
- Ihalo ang pinainit na gatas.
- Lutuin hanggang lumapot, habang tuloy-tuloy na hinahalo.
- Alisin sa apoy at ihalo ang tinunaw na gelatin.
- Ipatong ang mangkok sa kaserolang may yelo para madali itong mapalamig.
- Paglamig ay lalapot ang nalutong sangkap.
- Ihalo ang chocolate sauce at vanilla.
- Sa ibang mangkok, batihin ang puti ng itlog hanggang stiff peaks stage.
- Dahan-dahang ihalo sa chocolate mixture.
- Isama ang whipped cream.
- Isalin sa hulmahan at palamigin sa repridyerator hanggang mabuo.
- Tanggalin sa hulmahan at ihain.