Pagluluto:Chinese Mushroom Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 10 | piraso | tuyon malalaking mushrooms |
| 10 | tasa | sabaw ng manok |
| ½ | tasa | tinadtas na lutong spinach |
| ½ | tasa | hiniwang lutong balun-balunan at atay ng manok |
| 2 | kutsarita | toyo |
| ½ | kutsarita | paminta |
| ½ | tasa | hiniwang sibuyas na mura |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ibabad ang mga mushroom sa tubig hanggang lumambot.
- Hanguin at tanggalin ang mga tangkay.
- Hiwaing manipis ang mga mushroom.
- Pakuluin ang sabaw.
- Ihulog ang mushrooms, spinach, balun-balunan at atay ng manok.
- Hinaan ang apoy.
- Timplahan ng toyo at paminta.
- Ibudbod ang sibuyas na mura sa ibabaw bago ihain.