Pagluluto:Chili Con Carne
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | tasa | hilaw na red beans |
| 3 | tasa | tubig |
| 3 | kutsara | mantika |
| 1 | kutsara | dinikdik na bawang |
| 1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
| 1 | tasa | tinadtad na kamatis |
| 1 | tasa | hiniwang celery |
| 3 | kutsara | chili powder |
| 1 | kutsarita | oregano |
| 1 | kutsarita | cumin |
| 2 | kutsarita | asin |
| 2 | kutsara | asukal |
| 2 | kutsara | asukal |
| 2 | kutsara | liquid seasoning |
| 1 | kutsarita | hot sauce |
| ½ | kilo | giniling na karne ng baka |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pakuluan ang beans sa tubig.
- Alisin sa apoy at takpan.
- Itabi ng isang oras.
- Pakuluan uli ang beans.
- Hinaan ang apoy at hayaang lumambot.
- Alisin ang tubig at itabi.
- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at celery.
- Isama ang mga pantimpla at ang giniling.
- Papulahin ang karne at idagdag ang beans.
- Lutuin ng walang takip nang 10 minuto o hanggang lumapot.