Pagluluto:Chicken Veronique
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | kilo | manok, hiniwang katamtaman ang laki |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | pamintang puti |
1 | tasa | arina |
¼ | tasa | mantika |
2 | kutsara | mantikilya |
½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
¼ | tasa | white wine |
1 ½ | tasa | brown sauce |
½ | kutsara | tinadtad na dahon ng basil |
125 | gramo | ubas (balatan, tanggalan ng buto at apatin) |
½ | kutsara | tinadtad na parsley |
½ | tasa | cream |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Timplahan ang manok ng asin at paminta.
- Ipagulong sa arina at papulahin sa mainit na mantika.
- Isantabi.
- Sa isang kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
- Isama ang white wine at lutuin sa mahinang apoy ng 1 minuto.
- Idagdag ang brown sauce at timplahan.
- Isama ang manok.
- Lutuin ng 30 minuto o hanggang lumambot ang manok.
- Isama ang basil at pagkatapos ay idagdag ang ubas, parsley at cream.
- Lutuin pa ng ilang minuto.
- Ihaing mainit.