Pagluluto:Chicken Soy Sauce
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | buo | manok, hinati sa dalawa |
½ | kilo | hita ng manok |
Sarsa
[baguhin]¾ | tasa | toyo |
1 | kutsara | rice wine |
1 | kutsara | pamintang buo |
2 | tangkay | sibuyas na mura |
2 ½ | tasa | tubig |
½ | kutsarita | cloves |
3 | hiwa | luya |
¼ | tasa | asukal |
½ | kutsarita | kanela o sesame oil |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Linisin ang manok, hugasan at patuluin.
- Paghaluin lahat ng sangkap para sa sarsa.
- Ilagay sa malaking kaserola at isalang ng 20 minuto.
- Ilagay ang manok at paliguan ng sarsa.
- Takpan ang kaserola at hayaang maluto ng 10 minuto.
- Baligtarin ang manok at lutuin ng 10 minuto pa.
- Patayin ang apoy.
- Hayaan ang manok sa loob ng kaserola nang 20 minuto.
- Ilagay ang manok sa sangkalan at putulin sa maliliit na piraso.
- Ilagay sa bandehado at pahiran ng sesame oil.
- Ibuhos ang natirang sarsa.