Pagluluto:Chicken Mami
Itsura
Sangkap
[baguhin]6 | ulo | bawang, tinadtad |
2 | tasa | Chinese-style mami |
1 | tasa | manok, pinakuluan at hiniwa ng pakuwadrado |
1 | buo | nilagang itlog, hiniwa-hiwa |
¼ | tasa | vegetable oil |
¼ | tasa | dahon ng sibuyas, tinadtad |
5 | tasa | sabaw ng manok |
1 | kutsara | patis |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | pamintang durog |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantika sa isang kawali at prituhin ang bawang.
- Patuluin ang sobrang mantika at itabi.
- Ilagay ang mami sa mainit na tubig na may asin.
- Ilagay sa isang tabi.
- Sa isang kaserola, ibuhos ang sabaw ng manok at pakuluin.
- Timplahan ng asin at paminta.
- Ilagay sa isang mangkok ang mami.
- Idagdag sa ibabaw ang manok, itlog at dahon ng sibuyas.
- Ilagay ang mainit na sabaw sa mangkok at palamutian ng prinitong bawang.