Pagluluto:Chicken Loaf
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | manok, tinanggal ang buto at balat bago hiniwa sa maliliit na piraso |
¾ | kilo | giniling na baboy |
3 | piraso | itlog |
4 | puti ng illog | |
1 | tasa | hiniwang sibuyas (ginisa sa mantikilya) |
¼ | kutsarita | tinadtad na luya |
½ | kutsarita | marjoram |
¼ | kutsarita | cardamom |
1 | kutsarita | paprika |
2 | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | pamintang puti |
¼ | tasa | malamig na cream |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ihalo ang ¾ na bahagi ng hiniwang manok sa giniling na baboy kasama ng buong itlog, puti hg itlog, sibuyas at luya.
- Palamigin ng ilang minuto bago idagdag ang marjoram, cardamom, paprika, asin at paminta.
- Gilingin ito sa food processor hanggang pumino.
- Isalin sa mangkok at ihalo ang cream at ang nalalabing manok.
- Itabi sa repridyerator.
- Pahiran ang isang loaf pan ng bunting mantika.
- Isalin ang pinaghalong sangkap.
- Idiing maigi sa pan para mahulma.
- Lutuing banyo maria sa oven na pinainit sa 250°F ng isang oras o hanggang maluto.
- Palamigin sa pan ng 20 minuto bago tanggalin.
- Hiwain at ihain kasama ng mushroom sauce, kung nais.