Pagluluto:Chicken Gumbo
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | buo | manok |
¼ | tasa | arina |
1 ½ | kutsarita | asin |
¼ | tasa | margarina |
½ | tasa | sibuyas, tadtarin |
2 ½ | tasa | tubig |
1 | tasa | kamatis, talupan at tadtarin |
1 | tasang | mais |
1 ¼ | tasa | tubig |
2 | kutsarita | asin |
1 | kutsarita | paminta |
1 | kutsarita | asin |
½ | tasa | okra, hiwain |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Tilarin ang manok ayon sa ibig na laki ng mga hiwa.
- Patuyuin sa tulong ng humihirit na papel.
- Igulong sa pinaghalong arina at asin.
- Papulahin sa mainit na margarina.
- Isama ang tubig.
- Hayaang nakasalang sa katamtamang init hanggang lumambot ang manok.
- Alisin ang manok at ilagay sa pinggan.
- Ilagay sa sabaw ang kamatis, mais at tubig.
- Timplahan ng asin at paminta.
- Ipagpatuloy ang pagluluto ng mga 20 minuto.
- Samantala, ihiwalay sa buto ang laman ng manok. Kudra-kudraduhin.
- Ihalo ang manok sa sabaw at mga kasamang sangkap.
- Isama ang okra.
- Painiting bigla.
- Hanguin at ihain agad.