Pagluluto:Chicken Curry
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kilong | manok |
2 | pirasong | sibuyas |
2 | pirasong | siling berde,na malalaki |
½ | kutsarita na | curry powder |
2 | tasang | gata ng niyog |
½ | tasang | purong kakang-gata |
½ | kutsaritang | asin |
½ | kutsaritang | pamitang durog |
3 | butil ng | bawang |
¼ | tasa ng | mantika |
½ | tasa na | tubig |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Prituhin ang manok ngunit huwag gaanong papulahin.
- Sa dalawang sibuyas, ang isa ay hiwain nang pino. Malaki naman ang gawing hiwa sa isa pang sibuyas.
- Hiwain sa 3-4 ang siling berde.
- Pitpitin ang bawang at papulahin sa mantika.
- Isunod ang sibuyas na pino ang hiwa.
- Makaraan ang ilang sandali ay magkakasabay na ihulog ang manok, sibuyas (malalaki ang hiwa) at sili.
- Tunawin ang curry powder sa tubig at isama sa gata ng niyog. Ibuhos ito sa manok.
- Timplahan ng asin at pamintang durog.
- Pakuluin hanggang lumambot ang manok at lumapot ang sabaw. Kung hindi pa lumalambot ang manok at natutuyuan na ang sabaw, dagdagan pa ng ½ tasang gata at ½ tasang tubig.
- Kung malambot na ang manok at halos manuyo ang sabaw ay ibuhos ang kakang-gata o purong gata.
- Halu-haluin at lutuin pa ng mga 1 minuto at patayin ang apoy.