Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Chicken Consomme Royale

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 tasa tinadtad na laman ng manok
8 tasa sabaw ng manok
1 kutsara tinadtad na sibuyas
1 kutsara tinadtad na carrots
1 kutsara tinadtad na celery
1 kutsara tinadtad na leeks
1 piraso dahon ng laurel
½ kutsarita dinurog na pamintang buo
½ kutasrita asin
kaunting rosemary

Para sa Royale Garnish

[baguhin]
3 piraso itlog
½ tasa pinainit na gatas
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti


Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Ilagay ang lahat ng sangkap ng sabaw sa isang kaserola.
  2. Haluin hanggang kumulo.
  3. Hinaan ang apoy at isalang ng hindi hinahalo ng 3 oras.
  4. Isantabi ng 30 minuto.
  5. Sapinan ng katsa ang salaan at patuluin dito ang sabaw para luminaw.

Paggawa ng Royale Garnish

[baguhin]
  1. Batihin ang mga itlog.
  2. Isama cmg gatas, asin at paminta.
  3. Salain at ibuhos sa isang baking pan na may saping wax paper.
  4. Takpan at ilutong banyo maria hanggang mabuo.
  5. Palamigin bago hiwain sa maliliit na piraso.
  6. Painitin ang sabaw. Paibabawan ng hiniwang royale garnish bago ihain.