Pagluluto:Chicharon
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | liempo ng baboy |
| 1 | piraso | dahon ng laurel |
| 1 | piraso | sibuyas |
| 4 | butil | bawang |
| 2 | tasa | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap.
- Lagyan ng katamtamang dami ng tubig. Takpan.
- Pakuluin hanggang ang liempo ay lumambot.
- Patiningin ang liempo at ilagay sa mahanging lugar hanggang sa matuyo.
- Hiwain ng maninipis (mga kalahating pulgada).
- Ilagay sa refrigerator magdamag.
- Lutuin ng lubog sa mantika.
- Ihaing may kasamang suka, dinikdik na bawang at siling labuyo.