Pagluluto:Cheesecake (No-bake)

Mula Wikibooks


Sangkap[baguhin]

Crumb Crust[baguhin]

1 tasa dinurog na graham crakers
1 tasa tinadtad na kasuy
1 kutsara asukal
tasa tinunaw na mantikilya

Cream Cheese Filling[baguhin]

1 pakete (225-gram) cream cheese
½ tasa asukal
1 ¼ tasa all-purpose cream
1 kahon gulaman mix
1 tasa tubig (mainit na mainit)
3 piraso manggang hinog, hiniwang pakuwadrado

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Kumuha ng isang 9-inch spring-form pan at takpan ng aluminum foil.
  2. Paghaluin ang mga sangkap para sa crumb crust.
  3. Ikalat ng pantay sa ilalim ng pan.
  4. Ilagay sa repridyerator nang 30 minuto para mabuo.
  5. Ilagay ang cream cheese at asukal sa blender.
  6. Haluin hanggang maging pino.
  7. Isama ang cream at haluin ng mabuti.
  8. Paghaluin ang gulaman at mainit na tubig.
  9. Haluin para matunaw.
  10. Palamigin ng bahagya at pagkatapos ay isama sa blender.
  11. Isama ang kalahati ng mangga at i-blender hanggang mahalo.
  12. Ihalo sa pamamagitan ng rubber scraper ang nalalabing mangga.
  13. Isalin sa crust.
  14. Palamigin hanggang mabuo.