Pagluluto:Cheesecake
Itsura
Sangkap
[baguhin]Crust
[baguhin]2 ½ | tasa | dinurog na graham crackers |
4 | kutsara | asukal |
¾ | tasa | tinunaw na mantikilya |
Filling
[baguhin]1 ½ | tasa | cream cheese, pinalambot |
½ | tasa | asukal |
¼ | kutsarita | vanilla |
2 | piraso | itlog |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang oven sa 350°F.
- Maghanda ng 8-inch na pie plate.
- Paghaluin ang graham crackers, asukal, at mantikilya.
- Isalin ito sa pie plate at idiin sa ilalim at gilid ng pan para maging crust.
- Itabi.
- Sa hiwalay na mangkok, batihin ang cream cheese hanggang lumambot bago ihalo ang asukal, vanilla, at mga itlog.
- Batihin hanggang pino.
- Isalin sa pie plate na may crust.
- Lutuin sa oven ng mga 25 minuto hanggang mabuo.
- Palamigin bago hiwain.