Pagluluto:Cheese and Mushroom Crepes
Itsura
Sangkap
[baguhin]6 | piraso | itlog |
2 | tasa | gatas |
½ | kutsara | asin |
½ | kutsara | asukal |
1 | tasa | cake flour |
¼ | tasa | mantika |
1 | tasa | hiniwang ginisang mushroom |
mantikilya | ||
keso |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa mangkok, batihin ang itlog kasama ng gatas, asin at asukal.
- Idagdag ang arina.
- Batihin hanggang pino.
- Isama ang mantika.
- Painitin ang isang nonstick na kawali.
- Pahiran ng kaunting mantika.
- Maglagay ng ¼ tasa ng binating sangkap sa mainit na kawali at hayaan itong kumalat.
- Hayaang maluto at pagkatapos ay baligtarin para maluto ang kabilang bahagi.
- Isantabi ang nalutong crepe.
- Ulitin ang ganitong pamamaraan hanggang maubos ang pinaghalong sangkap.
- Painitin ang isang kawali.
- Pahiran ng mantikilya.
- Maglatag dito ng isang crepe.
- Sa gitna nito ay maglagay ng isang hiwa ng keso at kaunting mushrooms.
- Tiklupin ang mga gilid ng crepe papunta sa gitna para makabuo ng kuwadradong crepe.
- Baligtarin para pumula ang kabilang bahagi.
- Gawin ito a lahat ng crepe. Ihaing mainit.