Pagluluto:Charlotte Russe
Itsura
Sangkap
[baguhin]5 | pula ng itlog | |
¼ | tasa | asukal |
1 | tasa | gatas |
1 | kutsarita | vanilla |
1 | kutsara | unflavored gelatin |
3 | kutsara | tubig |
¼ | tasa | cream |
¼ | tasa | sour cream |
16 | piraso | broas |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang mangkok, batihin ang pula ng itlog at ihalo ang asukal.
- Batihin hanggang lumapot.
- Painitin ang gatas at vanilla sa isang kaserola pero huwag pakuluin.
- Dahan-dahang ibuhos sa binating itlog.
- Haluing maigi.
- Isalin sa double boiler at lutuin hanggang lumapot.
- Tunawin ang gelatin sa tubig.
- Ihalo sa mainit na mga sangkap.
- Palamigin.
- Batihin ang cream at sour cream hanggang lumapot.
- Ihalo ang pinalamig na mixture.
- Sapinan ng plastic wrap ang isang 8" na bilog na hulmahan.
- Iayos dito ang broas para matakpan ang ilalim at gilid.
- Ibuhos ang cream mixture.
- Takpan ng plastic wrap at palamigin sa repridyerator hanggang mabuo.
- Baligtarin sa pinggan bago ihain.