Pagluluto:Cauliflower Polonaise
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | ulo | cauliflower |
| 2 | kutsara | mantikilya |
| ½ | tasa | breadcrumbs |
| 2 | piraso | nilagang itlog, tinadtad |
| 1 | kutsara | tinadtad na parsley |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Linisin ang cauliflower at paghiwahiwalayin ang mga bulaklak nito.
- Banlian hanggang maluto.
- Patuluin at iayos sa pinggan.
- Sa kawali, painitin ang mantikilya at papulahin ang breadcrumbs.
- Isama ang itlog at parsley.
- Ibuhos sa ibabaw ng nalutong cauliflower.