Pagluluto:Cardillo na may Tokwa
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | bloke | tokwa (½ kilo) |
2 | kutsara | manitika |
½ | tasa | tubig |
½ | kutsarita | asin |
1 | butil | bawang, dinikdik |
½ | tasa | kamatis, ginayat |
¼ | tasa | sibuyas, tinadtad |
2 | buo | itlog |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Gayatin ang tokwa ng pira-piraso ng nababagay sa handa.
- Lagyan ng asin para lumasa.
- Prituhin sa mantika hanggang sa mamula-mula.
- Alisin sa lutuan at iprito ang bawang sa natitirang mantika.
- Pagka namumula-mula na idagdag ang sibuyas, kamatis, at asin.
- Pagka luto na ang kamatis, ilagay ang tubig at bayaang kumulo mula sa 3-5 minuto.
- Ihulog ang piniritong tokwa sa niluluto, alisin sa apoy at saka lagyan ng itlog na binating mabuti.
- Isama samantalang mainit.