Pagluluto:Candied Sweet Potato
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | kamote |
| 2 | tasa | asukal |
| 1 | tasa | tubig |
| ½ | tasa | mantikilya |
| ½ | tasa | katas ng 2 orange |
| hiniwang balat ng orange |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Balatan ang mga kamote at hiwain ng pabilog.
- Banlian at salain.
- Iayos sa isang baking pan.
- Arnibalin ang asukal at tubig.
- Isama ang mantikilya, katas at ang balat ng orange.
- Ibuhos sa ibabaw ng kamote.
- Lutuin sa oven sa init na 325°F ng 20 minuto o hanggang lumambot.
- Maya't-maya ay pahiran ng arnibal ang ibabaw ng mga kamote.